Home HOME BANNER STORY Sunog sumiklab sa PGH

Sunog sumiklab sa PGH

MANILA, Philippines – Inilikas ang mga pasyente ng Philippine General Hospital (PGH) matapos sumiklab ang sunog sa isang gusali ng ospital Miyerkules ng hapon, Marso 13.

Nanatiling nasa ikalawang alarma ang sunog kaya naman hindi pa pinababalik ang mga pasyente sa kani-kanilang ward.

Siniguro naman ng mga kawani ng ospital at ilang mga responders, volunteer ang kaligtasan ng mga pasyente ay kanilang mga bantay na inilikas at nanatili muna pansamantala sa kalsada sa kahabaan ng Padre Faura na pawang mga matatanda na may mga nakakabit pang mga swero.

Alas-3 ng hapon nang makumpirma ang sunog sa government building ng ospital.

Ayon sa ilang bantay ng mga pasyente, na minabuting hindi muna sabihin sa mga pasyente na may sunog dahil baka sila ay magpanic hangga’t hindi sila inilikas isa-isa.

Maagap naman ang pagdating ng mga bumbero mula sa ibat-ibang lugar maging ang volunteer ng Philippine Red Cross, MDRRMO.

Inaalam pa sa ngayon ang sanhi ng sunog na umano’y may sumabog bago tuluyang umapoy.

Pansamantala ring isinara ang kahabaan ng Padre Faura dahil inukopahan na ng mga fire truck.

Nagdulot din ng trapiko ang insidente sa kahabaan din ng Taft Avenue.

Patuloy pa rin ang pagdating ng mga bumbero at hindi pa idinedeklarang fire under control o fire out. Jocelyn Tabangcura-Domenden