Home METRO Sunog sumiklab sa residential area sa Tondo

Sunog sumiklab sa residential area sa Tondo

156
0

MANILA, Philippines – Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Dagupan St., Tondo, Maynila nitong Sabado, Agosto 31.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Manila, itinaas sa unang alarma ang sunog bandang 4:40 p.m. at agad na inakyat sa ikalawang alarma pagsapit ng 4:48 p.m.

Idineklara itong fire out 5:43 ng hapon o makalipas ang halos isang oras.

Gumawa muna ang barangay ng pansamantalang matutuluyan ng mga nasunugan habang naghihintay naman ng iba pang tulong mula sa pamahalaan.

Nagpapatuloy ang imbetigasyon sa sanhi ng sunog at kung magkano ang halaga ng mga napinsalang ari-arian. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here