Walang planong sumabak sa kumpetisyon sa ngayon si Paris Olympic double gold medalist Carlos Yulo at sinabing gusto niyang maglalaan ng kanyang matamis na oras para damhin ang kanyang tagumpay sa Olympics.
“Sa ngayon, I have yet to put together plans at all because I have a full schedule,” wika nito sa mga reporter sa Gateway Mall sa ibinigay na tribute na inayos ng DigiPlus.
“I never expected na magiging ganito ang [aftermath]. Kapag naayos na ang lahat, gusto ko ring maglaan ng oras para magpahinga at maingat na iplano ang mga susunod na kompetisyon na sasalihan ko para makapaghanda ako nang mabuti, at maging malusog [para sa lahat ng ito], “pagpatuloy niya.
Nakatanggap si Yulo ng P5-million cash reward habang na-renew ang partnership niya sa brand sa event na nagbigay-daan din sa ilang fans na makapag-selfie kasama ang Manila-born gymnast, na namuno sa floor exercise at vault events ng Summer Games.
Tiniyak ni Yulo na sasabak ito sa susunod na Southeast Asian Games (SEAG) na gaganapin sa Bangkok, Thailand, sa Disyembre sa susunod na taon.
Doon, susubukan ng 24-anyos na palawigin ang kanyang paghahari bilang all-around at parallel bars champion.
Ang presidente ng Gymnastics Association of the Philippines na si Cynthia Carrion ay nagbigay ng mas detalyadong pananaw sa kanyang ward.
“Gusto naming pumunta sa [Los Angeles] sa 2028 kasama ang isang koponan na pangungunahan niya,” sabi niya. “Siyempre, ang isang team ay binubuo ng apat na atleta at isang reserba, kaya kailangan talaga naming sanayin ang tatlo para manalo kami bilang isang koponan.”
“At gusto niyang manalo ng (Olympic) gold medal for all-around, and that’s going to be very, very difficult. Kaya magsasanay siya nang husto. I just pray na huwag siyang ma-injured dahil kapag na-injured ka, magiging napakahirap ng mga bagay. At iyon ang aming panalangin—na huwag siyang ma-injured.”
Sinabi pa ni Carrion na nilalayon niyang gawing posible ang pananaw na iyon sa tulong ng mga bagong mentor at ipadala si Yulo—at ang inaasahang koponan—sa mga training camp sa buong mundo.
“Kami ay makakakuha ng maraming mga coach mula sa ibang mga lugar, ipapadala siya sa mga kampo ng pagsasanay sa England, Korea, Japan-lahat ng mga lugar na ito para magkaroon siya ng karanasan,” sabi niya.