MANILA, Philippines – Isang sunog ang sumiklab sa isang residential area sa Pook Palaris, Barangay UP Campus, Quezon City, Linggo ng umaga, na umabot sa ikalawang alarma bago tuluyang naapula ng mga bumbero.
Agad rumesponde ang mga awtoridad upang sugpuin ang apoy, at idineklarang fire out pasado alas-10 ng umaga.
Sa kabila ng insidente, wala namang naiulat na nasawi o nasugatan.
Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang mopping-up operations sa lugar habang iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang pinagmulan at sanhi ng sunog. Santi Celario