Home ENTERTAINMENT Sunshine at Atong, spotted sa hotel; Ruffa, kasama!

Sunshine at Atong, spotted sa hotel; Ruffa, kasama!

Manila, Philippines – Spotted ang celebrity couple na sina Atong Ang at Sunshine Cruz na magkasamang sinalubong ang New Year sa isang sikat na hotel.

May tsika na dinala ng high-profile businessman na si Atong si Sunshine sa kanyang exclusive villa sa hotel at doon sinalubong ang 2025.

Todo-display na talaga ang controversial couple at laging viral ang kanilang video sa socmed.

Sa video na kumalat sa socmed recently, makikitang naglalakad sa lobby ng hotel sina Atong at Sunshine nu’ng Bagong Taon.

Kasama ni Sunshine sa hotel ang mga anak niya sa kanyang ex-husband na si Cesar Montano. Plus, ang kaibigan ni Sunshine na si Ruffa Gutierrez at anak nitong si Lorin.

May video rin na kasama ni Sunshine si Ruffa na nagba-bonding sa resto ng hotel.

At doon ay tinanong ni Ruffa si Sunshine if she’s happy that day.

Kinikilig naman na sinagot ni Sunshine ang tanong ni Ruffa ng “of course.”

And then, nag-follow-up question pa si Ruffa kay Sunshine kung bakit siya happy.

“Secret,” pagkatamis-tamis na sagot ni Sunshine. Julie Bonifacio