Home NATIONWIDE ALAMIN: Lagay ng panahon ngayong Sabado, Enero 4, 2024

ALAMIN: Lagay ng panahon ngayong Sabado, Enero 4, 2024

MANILA, Philippines- Inaasahan sa Batanes ang maulap na kalangitan at pag-ulan sa susunod na 24 oras dahil sa Northeast Monsoon (Amihan), ayon sa state weather bureau PAGASA nitong Sabado ng umaga.

Makararanas naman ang Central Luzon, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at natitirang bahagi ng Cagayan Valley ang maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan dahil sa shear line.

Iiral ang localized thunderstorms sa natitirang bahagi ng bansa.

Nakaamba ang strong to gale-force winds sa extreme Northern Luzon, habang posible ang moderate to strong winds at moderate to rough coastal waters sa natitirang bahagi ng Northern Luzon at sa eastern section ng Central Luzon.

Magkakaroon ang natitirang bahagi ng bansa ng light to moderate winds at slight to moderate coastal waters. RNT/SA