Home ENTERTAINMENT Sunshine, namatay daw sa lindol, fake news!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Sunshine, namatay daw sa lindol, fake news!April 2, 2025 15:37 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok Manila, Philippines – Tulad ng inaasahan, pinalagan ni Sunshine Cruz ang kumalat na fake news sa isang site na pumanaw na siya.Nagmumura kasi ang headline nito na “Sunshine Cruz namatay na dahil sa lindol sa Thailand!”Matatandaang niyanig ng 7.7 magnitude ang Myanmar at Thailand nitong March 28.Sa Myanmar–dating Burma–ang epicenter ng lindol.Agad namang nag-post si Sunshine sa kanyang Facebook account.Nananawagan ang aktres sa kanyang mga kaibigan na ireport ito kapag may maglabas pa ng fake news tungkol sa kanya o sa kanyang pamilya.Isa ang dating aktres na si Lindsay Custodio sa mga unang nag-react sa social media.Post ni Lindsay: “This is so sad. Karma is real, sis!”Pinagtakhan din ni Alma Concepcion ang “lakas ng loob” ng sinumang taong gumawa ng ganoon kay Sunshine: “May ganoon pala?!”Ang totoo, nasa bansa si Sunshine nang mangyari ang lindol.Sabi nga niya: “Kung ano na lang!”Sunshine was referring to the extent of making up stories at the expense of innocent people.Yes para sa mga naghahabi ng fake news…abangan ito ang karma! Ronnie Carrasco III