Home TOP STORIES Manila candidate councilors inendorso  Pamilya Ko Partylist

Manila candidate councilors inendorso  Pamilya Ko Partylist

Suportado at inendorso ng Manila running councilors ang Pamiya ko Partylist sa pangunguna ni Atty. Anel Diaz, Isang Bar topnotcher.

Naniniwala sina councilors Ocsan at Ejercito na matutulungan sila ng Pamilya Ko Partylist ni Diaz upang ipagtanggol at mapangalagaan ang kapakanan ng bawat miyembro ng alinmang sektor ng lipunan.

Sinabi ni Ejercito na bilang bahagi ng isang pamilya sa labas ng kasal ay lubhang nagiging unfair ang pagtrato sa kanya.

Naniniwala si Ejercito na sa sandaling manalo ang Pamilya Ko partylist ay tiyak na maisusulong nito ang pag-amyenda sa Family Code upang magtamasa na ng pare-parehong karapatan ang bawat anak outside marriage laluna sa mga aria-arian ng isang pumanaw na.

Sinabi naman ni councilor Ocsan na bilang isang single mother naniniwala siyang maraming mga maitutulong ang Pamilya Ko Partylist sa mga ibat ibang
uri ng kabuhayan ng modernong Pamilyang Filipino.

Dahil dito ay tiniyak nina Ocsan at Ejercito na kanilang ikakampanya sa Lunsod ng Manila at mga kakilala ang Pamilya ko Partylist.

Lubos naman ang pasasalamat ni Atty. Diaz sa tiwalang ipinagkakaloob sa kanila ng dalawa, at sa mainit na pagtanggap ng mga Manileño sa Pamilya Ko Partylist.

Siniguro din ni Diaz sa lahat na titiyakin nila ang pagsusulong ng pagkapantay-pantay na karapatan ng mga anak na nasa loob o labas man ng matrimonyo , at upang maipatupad din ang benepisyong makukuha ng mga solo parents at nais niyang gawin itong nasyunal o hindi galing ang benepisyo sa mga local government unit (LGU’s) dahil kaawa-awa ang mga solo parents na hindi asensado ang kanilang LGU dahil hindi nila makukuha ang tamang benepisyong isinasaad ng Expanded Solo Parent Act. RNT