Home ENTERTAINMENT Sunshine, ‘no comment’ sa 10 years na panliligaw ni Atong!

Sunshine, ‘no comment’ sa 10 years na panliligaw ni Atong!

Manilla, Philippines – Sampung taon daw nililigawan ng negosyanteng si Atong Ang ang karelasyon na niya ngayong aktres na si Sunshine Cruz.

Ito ay ayun sa nakausap naming malapit sa dalawa ngayon.

Kumbaga, ganu’n katagal at inabot ng mahigit sa isang dekada bago napa-oo si Sunshine ng negosyante, huh!

Ayon sa source namin ay hiwalay na raw noon si Sunshine sa naging asawa niyang si Cesar Montano at walang Macky Mathay pa raw sa buhay ng premyadong aktres, huh!

But still, mas pinili pa rin ni Sunshine ang nag-aambisyon pa lang noon na pasukin ang pulitika na kapatid sa ama ni Ara Mina na si Macky, huh!

Pero nang hiwalayan nj Shine si Coun. Macky ay muling pumasok sa eksena at niligawan muli ni AA ang aktres.

And dito na nga napag-isip-isip marahil ni Sunshine na mahalin ang isang Atong Ang, huh!

Pero nang hingan namin ng komento si Sunshine hinggil sa sinasabing inabot ng sampung taong panliligaw ni AA ay hindi nagbigay ng komento ang aktres, huh!

“Pasensiya na kuya jimi ‘no comment’ po,” sey pa ni Sunshine.

Umiiwas lang marahil si Sunshine na madamay pa ang mga taong naging bahagi ng buhay niya, huh!

Pero sa totoo lang naman, bukod tanging si Sunshine ang inamin sa publiko ni AA na karelasyon niya, huh! Jimi Escala