Home NATIONWIDE Super El Niño posibleng maranasan mula Oktubre 2026 — PAGASA

Super El Niño posibleng maranasan mula Oktubre 2026 — PAGASA

1
0

MANILA, Philippines — Umaabot sa 81% ang posibilidad na magkaroon ng napakalakas na El Niño mula Oktubre 2026 hanggang Enero 2027, ayon sa state weather bureau na PAGASA nitong Martes.

“Climate models suggest El Niño will likely intensify (81%) over the next few seasons and persist until [the] first half of 2027,” pahayag ng PAGASA sa climate outlook nito para sa Agosto 2026 hanggang Enero 2027.

Idinagdag ng ahensya na may 97% posibilidad na magpatuloy ang kondisyon ng El Niño hanggang sa unang kalahati ng 2027.

Kasalukuyang umiiral ang mahina hanggang katamtamang El Niño sa tropical Pacific, habang posibleng maging malakas ito sa pagitan ng Hulyo at Setyembre.

Ang El Niño ay ang hindi pangkaraniwang pag-init ng temperatura sa ibabaw ng dagat sa gitna at silangang bahagi ng equatorial Pacific Ocean, na karaniwang nagdudulot ng below-normal na pag-ulan sa Pilipinas.

Ayon sa PAGASA, mas kaunting tropical cyclone ang inaasahang mabubuo habang umiiral ang El Niño, bagaman maaari pa ring lumakas ang ilan bilang typhoon o super typhoon.

Pagsapit ng katapusan ng Agosto, posibleng makaranas ng dry spell ang Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, Agusan del Norte, Basilan, Dinagat Islands, Misamis Occidental, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, at Zamboanga Sibugay.

Posible namang makaranas ng drought ang Camarines Norte, Catanduanes, Biliran, Cebu, Negros Oriental, Northern Samar, Samar o Western Samar, at Siquijor.

Nagkakaroon ng dry spell kapag nakaranas ang isang lugar ng below-normal rainfall sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan, o way below-normal rainfall sa loob ng dalawang magkakasunod na buwan.

Itinuturing namang drought kapag nakapagtala ang isang lugar ng below-normal rainfall sa loob ng limang magkakasunod na buwan, o way below-normal rainfall sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here