Home HOME BANNER STORY Suplay ng asukal sa Pinas ‘stable’ sa kabila ng Batangas refinery closure

Suplay ng asukal sa Pinas ‘stable’ sa kabila ng Batangas refinery closure

MANILA, Philippines – Sinabi ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na stable ang supply ng bansa ng refined sugar sa kabila ng permanenteng pagsasara ng Central Azucarera Don Pedro Incorporated (CADPI) refinery sa Batangas nitong Pebrero 28.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni SRA Administrator Pablo Luis Azcona na naipatupad na ang target ng ahensya na magpanatili ng buffer stock.

“Sa ngayon, ang availability po ng refined sugar in the country is very ample, our supply has been stable the whole year,” anang opisyal.

Ayon sa pinakahuling Department of Agriculture (DA) Bantay Presyo (price watch), ang retail price range ng refined sugar ay nasa P72 hanggang P100 kada kilo sa Metro Manila.

Nilinaw ni Azcona na tumigil na ang operasyon ng CADPI noong 2023, na nagdulot ng abala sa supply sa bahagi ng Luzon.

Gayunman, sinabi niya na ang ibang refineries sa Tarlac, Tuguegarao, at Bukidnon, bukod sa iba pa, ay maaaring masaklaw ang pagkawala ng suplay.

“Lima sa 14 [refineries] ang makakapag-supply ng premium demand ng mga soft drink companies, para sa retail o sa palengke, mayroon tayong 13 pang refineries na maaaring saklawin ang pagkawala ng CADPI,” sabi ni Azcona.

Ang produksyon ng CADPI ay umabot sa humigit-kumulang 18,000 hanggang 19,000 sako ng pinong asukal kada araw. RNT

Previous articleP68M droga nasabat sa mag-utol sa Cebu
Next article‘Installment’ wage hike pinalagan ng labor group