Home METRO P68M droga nasabat sa mag-utol sa Cebu

P68M droga nasabat sa mag-utol sa Cebu

CEBU CITY – Nakumpiska ng mga anti-drug operatives ang P68 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang operasyon malapit sa isang sementeryo na humantong din sa pagkakaaresto sa isang umano’y “bodegero” (caretaker) at kapatid nito nitong Lunes ng umaga, Marso 3.

Kinilala ang suspek na si Jaime Dajao, 47, na kalalabas lang sa kulungan dalawang buwan na ang nakakaraan, at naarestong muli sa Barangay Carreta  kasama ang kanyang 53-anyos na kapatid na si Roberto,  na nakuhaan ng 10 kilo ng shabu.

Sinabi ng Regional Police Drugs Enforcement Unit-7 na inilunsad ang sting operation matapos lumabas ang mga pangalan ng mga suspek sa intelligence report na malaking supply ng shabu mula sa labas ng Visayas ang nailipat sa Bohol province.

Nakipagtransaksyon ang magkapatid na Dajao sa isang poseur buyer sa tabi ng Carreta Cemetery sa kahabaan ng A. Soriano Avenue.

Pansamantalang nakakulong ang magkapatid sa Camp Sergio Osmeña Sr. dito habang inihahanda ang kasong may kinilaman sa iligal na droga. Santi Celario

Previous articleMost wanted rapist na 27 beses nanggahasa, arestado!
Next articleSuplay ng asukal sa Pinas ‘stable’ sa kabila ng Batangas refinery closure