Home METRO Most wanted rapist na 27 beses nanggahasa, arestado!

Most wanted rapist na 27 beses nanggahasa, arestado!

Bulacan – Arestado ang Top 1 Most Wanted Person (MWP) Municipal/Provincial Level matapos silbihan ng warrant of arrest ng pulisya sa bayan ng San Ildefonso.

Kinilala ng pulisya ang akusadong si Dennis Caino, 34, residente ng Brgy. Pinaod ng naturang bayan.

Sa report kay Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo ni San Ildefonso chief of police PLTCOL. Russel Dennis Reburiano, isinilbi ang warrant bandang 3:20 ng hapon nitong Marso 1 sa Bulacan Provincial Jail, Capitol Compound, Brgy. Guinhawa, Malolos City.

Nabatid na ang warrant sa kasong rape (27 counts) ay inisyu ng Regional Trial Court, Branch 16 noong Pebrero 21 na walang inirekomendang piyansa.

Patuloy na humihimas ng rehas ang akusado sa nabanggit na kulungan. Dick Mirasol III

Previous articleSolon sa DFA: Maghain ng diplomatic protest vs China sa pagpasok sa Philippine Rise
Next articleP68M droga nasabat sa mag-utol sa Cebu