Home NATIONWIDE Solon sa DFA: Maghain ng diplomatic protest vs China sa pagpasok sa...

Solon sa DFA: Maghain ng diplomatic protest vs China sa pagpasok sa Philippine Rise

MANILA, Philippines – Hinimok ni Cagayan de Oro Rep Rufus Rodriguez ang Department of Foreign Affairs na maghain ng diplomatic protest sa China kaugnay sa naging illegal na pagpasok nito sa Benham Rise

Ayon kay Rodriguez, “concerning” ang pagpasok ng Chinese research vessels sa exclusive economic zone ng bansa.

“The government should lodge a protest with Beijing every time they trespass on our territory, whether in Benham Rise or the West Philippine Sea,” ani Rodriguez.

Ani Rodriguez, malinaw na may motibo ang pagpasok ng Chinese vessels sa Philippine Rise na mayaman sa marine at mineral resources.

“Gusto yata tayong unahan sa pag-survey at pag-explore ng lamang yaman ng dagat at ng seabed duon,” dagdag pa ni Rodriguez.

Una nang sinabi ng Philippine Navy na walang dapat na ikabahala sa pagpasok ng Chinese vessels sa Philippine territory, ang dalawang sasakyang pandagat ay nakalabas na din ng Philippine Rise. Gail Mendoza

Previous articleSenate probe ikinasa vs ‘irregular’ na bentahan ng NFA rice
Next articleMost wanted rapist na 27 beses nanggahasa, arestado!