Home NATIONWIDE Senate probe ikinasa vs ‘irregular’ na bentahan ng NFA rice

Senate probe ikinasa vs ‘irregular’ na bentahan ng NFA rice

MANILA, Philippines – Ikinasa sa Senado ang isang imbestigasyon sa irregular na bentahan ng bigas ng National Food Authority sa ilang piniling trader sa mas mababang halaga kahit nalugi ang pamahalaan.

Nakatakda sa Senate Proposed Resolution No. 940, na nagkaroon ng irregular na bentahan ng bigas na binago ang sako sa ilang trader sa mas mababang halaga.

“Now, therefore, be it resolved as it is hereby resolved, directing the appropriate Senate committee to conduct an inquiry, in aid of legislation, into the irregular disposition and sale of the National Food Authority repackaged rice stocks to certain rice traders at low prices,” ayon sa resolusyon.

Binanggit ni Senador Imee Marcos sa resolusyon ang lette-complaint nitong Pebrero 1 sa Office of the President na idinulog ni NFA Assistant Administrator for Operations Lemuel Pagayunan hinggil sa hinihinalang irregular sale ng “treated and fit for consumption” rice stocks na isinagawa ni NFA Administrator Roderico Bioco a dalawang rice traders.

Ayon sa resolusyon, binanggit ni Pagayuman sa kanyang letter-complaint na nagpalabas ng memorandum si Bioco na pinapayagan ang pagbebenta ng 75,000 bags ng “deteriorating or aging” NFA rice na nagkakahalagang P93.75 million sa di binanggit na traders.

Bilang suporta sa alegasyon, ayon pa sa resolusyon, ipinakita ni Pagayunan ang November 13, 2023 memorandum na ipinalabgas ni dating Assistant Administrator for Operations John Robert Hermano na nagbibigay instruction na dapat baguhin ang sako ng bigas at ilipat na walang NFA markings bago ibenta bilang commercial rice.

Sinabi pa ni Pagayuman na “while the payment for the sale was made directly in NFA Central Office, no other bidders or buyers were allowed to submit their bid price for the NFA stocks being sold. There is also no showing that the amount paid by G4 and NBK was the best price offered. In short, the buyers were pre-selected…”

Sa bahagi naman ng naturang inaakusahang opisyal, sinabi sa resolusyon na pinabubulaanan ang akusasyon na binanggit ni Pagayunan dahil malapit nang masira ang bigas dahil matagal na itong nakaimbak sa warehouse at pinili ang traders upang maiwasan ang sabwatan n NFA personnel at lumang local miller na sangkotsa iregularidad.

Binanggit din ng NFA sa Resolution No. 1025-2022 ng konseho na may petsang Enero 25, 2022, na maaaring iimbak ang palay sa loob ng anim na buwan at tatlong buwan na critical storage sa bigas.

“The sold NFA stocks were already stored for more than three months, thus, the sale transactions were in accordance with the approved NFA Council Resolution.”

Nakatala din sa resolusyon ang obserbasyon ng Commission on Audit na may petsang February 20, 2024, na nagsasabing ang bentahan ng 349,100 kilogram ng well-milled rice sa halagang P25 kada kilo sa pribadong indibiduwal at rice miller na nagkakahalagang P8.727 million ay kapos sa kinakailangang NFA Council authority at hindi dumaan sa proseso ng tawaran na paglabag sa Section 5 ng 2014 NFA Code of Corporation Governance.

“COA noted that such sale resulted to a loss of Php3.631 million on the part of the national government and that such casts doubt on the propriety of the procedures adopted in the disposition of aging stocks, transparency and the appropriateness of the selling price of palay,” ayon sa resolusyon. Ernie Reyes

Previous article17 miyembro ng Budol-budol gang nambudol ng sabon, nadakma sa Bulacan
Next articleSolon sa DFA: Maghain ng diplomatic protest vs China sa pagpasok sa Philippine Rise