Home NATIONWIDE Suplay ng kuryente sapat pa – DOE

Suplay ng kuryente sapat pa – DOE

MANILA, Philippines – Siniguro ng Department of Energy (DOE) na may sapat na supply ng kuryente ang Pilipinas hanggang sa hindi pa naaabot ng bansa ang peak demand nito sa kabila ng pagsisimula ng tag-araw at ang patuloy na El Niño phenomenon.

Ang Luzon ay mayroon pa ring 2,000 megawatts na matitira, habang ang Visayas at Mindanao ay kulang pa rin ng 200-megawatts sa tinatayang peak demand nito, sinabi ni Energy Assistant Secretary Mario Marasigan sa state television PTV.

“Wala pa po tayong kakulangan sa supply ng kuryente. Yung ating demand ay hindi pa umaakyat sa ating projected na peak demand sa taon na ito,” aniya.

“Wala pa po tayong pangamba na magkukulang either yung ating suplay ng kuryente o yung ating tinatawag na reserve,” dagdag pa ng opisyal.

Ito ay pagbaligtad sa naunang pahayag ng DOE na ang Luzon grid ay maaaring humarap sa “Yellow Alert” sa Abril at Mayo dahil ang pagbagsak ng lebel ng tubig sa mga dam ay nakakabawas ng mga suplay ng kuryente mula sa hydroelectric plants.

Habang lumiliit ang supply ng kuryente sa Visayas, dinaragdagan ito ng supply na dumaan sa Mindanao-Visayas interconnection project, sinabi ni Marasigan, na binanggit na hanggang 450 megawatts ang maaaring ipadala sa Visayas mula sa Mindanao.

Sa kabila ng stable na supply ng kuryente, pinayuhan pa rin ng DOE official ang publiko na maging mas matalino sa paggamit ng kuryente, na ang pangangailangan para sa kuryente ay maaaring tumaas sa Mayo o Hunyo. Santi Celario

Previous articleTask force sa LGUs: ‘Wag mag-alinlangang magkansela ng klase sa sobrang init
Next article77% public school teachers sa NCR ‘di na makatiis sa sobrang init – sarbey