Home METRO Supplier nag-sorry sa baliktad na PH flag sa Palarong Pambansa drone show

Supplier nag-sorry sa baliktad na PH flag sa Palarong Pambansa drone show

MANILA, Philippines- Humingi ng paumanhin ang drone supplier DroneTech Philippines sa pagpapakita ng baliktad na Philippine flag sa drone show sa 2023 Palarong Pambansa event.

Nakita sa drone show ang bandera ng Pilipinas kung saan nasa taas ang pulang bahagi habang nasa baba naman ang asul na bahagi sa closing ceremony nitong Sabado sa Marikina Sports Center.

Kinondena n local government ng Marikina City cang insidente.

“Mariing kinondena ng Marikina City government sa pangunguna ni Mayor Marcy Teodoro ang pangyayari at pinapakasuhan ang DroneTech PH upang madetermina ang mga legal na pananagutan ng kumpanya kasama na rin ang mga kalakip na kaparusahan at multa,” anito.

Makalipas ang isang oras, humingi ng paumanhin ang drone supplier kay Teodoro, sa local government, at sa bansa para sa “grave error” at sa “inconvenience” na idinulot ng drone show.

“We would like to clarify that this error in the Drone Show programming which was supposed to be tested days before could have been noticed and corrected [but] was not successfully done due to severe weather conditions and signal interference in the said area for several nights,” pahayag nito.

“The company is sincerely sorry for this unintentional error in programming. As God is our witness, we have innocently made this mistake and have no malice or bad intentions on anyone and the people of Marikina and the Philippines as a whole,” dagdag ng kompanya.

Sinabi rin ng DroneTech Philippines na titiyakin nito “to execute proper protocols in testing our future shows.” RNT/SA