Home METRO 2023 National ‘Brigada Eskwela’ kick-off sa Tarlac, aarangkada na

2023 National ‘Brigada Eskwela’ kick-off sa Tarlac, aarangkada na

MANILA, Philippines- Pangungunahan ng Department of Education (DepEd) ang National “Brigada Eskwela” (BE) kick-off program ngayong taon sa mga pampublikong paaralan sa lalawigan ng Tarlac.

Ang “Brigada Eskwela” ay inisyatiba ng DepEd sa ilalim ng Adopt-A-School Program na nananawagan para sa  “engagement and collaboration” ng iba’t ibang personnel at stakeholders,  gaya ng mga estudyante, guro, school officials, pribadong indibidwal, community members, local government officials, non-government organizations (NGOs), religious groups, at iba pang private sector para sa paghahanda ng mga paaralan sa pagbubukas ng klase.

Gaya ng inanunsyo ng DepEd, ang national kick-off program ay gagawin ngayong araw ng Lunes, Agosto 7, sa  Tarlac National High School.

Pinayagan naman ng DepEd  ang Regional Offices (ROs) at Division Offices (DOs) nito na magdaos ng kanilang sariling kick-off ceremonies at advocacy activities matapos ang national kick-off program. Mula Agosto 8 hanggang 11, maaaring maglunsad at ikampanya ng ROs at DOs  ang “Brigada Eskwela” sa kani-kanilang mga lugar.

“Known as the National Schools Maintenance Week, the BE also refers to a week dedicated to the conduct of activities to prepare the school for the opening of classes,” ayon sa DepEd.

Para sa  School Year (SY) 2023-2024, ang DepEd, sa pamamagitan ng External Partnerships Service (EPS), magpapatupad ng “Brigada Eskwela” Program sa Agosto 14 hanggang  19 na may temang  “Bayanihan Para sa MATATAG na Paaralan.”

Matatandaang tinintahan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang  DepEd Order No. 21 series of 2023.

“School heads, teachers, and other school personnel were “strictly prohibited” from soliciting or collecting any form of contribution including volunteers, partners, and stakeholders,” ang nakasaad sa DO.

“The Brigada Eskwela activities shall focus on voluntary work and participation to ensure that schools are adequately prepares for the upcoming school year,” ang wika ng DepEd.

Ang paghahanap para sa ‘best implementing schools’ at iba pang aktibidad ay hindi na bahagi ng BE, subalit nilinaw ng DepEd na ang hakbang na ito ay naglalayong tiyakin na ang programa ay magiging “true to the spirit of volunteerism.”

Sa kabila nito, pinayagan naman ng DepEd ang “recognition and appreciation of partners and stakeholders that “contributed to the success” ng BE. Gayunman, pagdedesisyunan aniya ito ng ‘school, district, o division levels only.’

Samantala, sinabi pa ng DepEd na ang lahat ng COVID-19 restrictions, kabilang na subalit hindi limitado sa pagsusuot ng face masks at pagdistansiya ay binawi na sa pamamagitan ng ipinalabas na  Presidential Proclamation No. 297,  nagsasaad nang pagbawi sa State of Public Health Emergency sa buong bansa  dahil sa  COVID-19. Kris Jose