Home NATIONWIDE Dela Rosa may babala kay Trillanes: Ex-PNP chief na idinawit sa ‘ouster...

Dela Rosa may babala kay Trillanes: Ex-PNP chief na idinawit sa ‘ouster plot’ galit na galit

MANILA, Philippines – Philippines — Binalaan ni Senador Ronald Bato Dela Rosa si dating Senador Antonio Trillanes IV sa pagdadawit nito sa dating police chief sa umano’y planong pagpapatalsik kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Sabihan mo si Trillanes na yung former PNP chief na kinausap nya, baka mabugbog pa sya noong former PNP chief na yun. Galit na galit sa kanya,” pahayag ni Dela Rosa sa panayam ng ANC nitong Miyerkules, Mayo 8.

Tinawag din ni Dela Rosa na kasinungalingan ang mga alegasyon ni Trillanes.

Sa press conference nitong Martes, sinabi ni Trillane na bahagi ng ouster plot ang ilang aktibo at dating mga police official, kabilang ang dating Philippine National Police chief.

“Davao group… and a retired PNP chief,” ani Trillanes.

“Naghahanap lang ng attention yang tao na yan. E bakit ko sya papatulan, naghahanap lang ng attention yan,” tugon naman dito ni Dela Rosa.

Sinabi rin ni Dela Rosa kay Trillanes na hindi siya “attack dog.”

“I’m not an attack dog, Mr. Trillanes, pasensya na hindi kita gagayahin at hindi ka dapat gagayahin kasi yung ginagawa mo ay hindi maganda,” anang senador.

Wala pang tugon si Trillanes sa sinabi ni Dela Rosa. RNT/JGC