Home ENTERTAINMENT Coleen, nag-atubili kay Diego!

Coleen, nag-atubili kay Diego!

Manila, Philippines – Sa mediacon ng pelikula ng Viva Film na Isang Gabi starring Diego Loysaga at Coleen Garcia ay pansin namin na tipong may kemistri ang dalawang itey sa true lang.

Ang nasabing pelikula ay sinulat ni Ricky Lee at sa direction naman ni Mac Alejandre at showing na in theaters nationwide this coming May 15, 2024.

Sa report ni katotong Jojo Gabinete ay nag-atubili raw si Coleen na tanggapin ang said film ng Viva for two reasons.

Una, masyadong seksi ang proyekto.

Pangalawa, kaibigan ng kanilang pamilya ang leading man niya sa pelikula na si Diego Loyzaga.

“At first, medyo nagdalawang-isip kami. Two reasons, one reason was because the material’s really very difficult.

“Originally, yung script na ito was sexier, it was for Vivamax. Pero siyempre, marami silang binago and heavy drama kasi yung pelikula.

“Nagdalawang-isip ako sa sarili ko kung kaya ko ba, kung mabibigyan ko ba ng justice.

“And then, another reason pa, si Diego ang kasama ko kasi para kaming magkapatid. Para ko siyang little brother. ‘Kaya ko bang gawin ito?’

“It was a big factor pero nagawa naman namin nang maayos,” saad ni Coleen nang humarap sila ni Diego sa entertainment press.

Walang inilihim si Coleen sa asawang si Billy Crawford tungkol sa mga mapangahas na eksena nila ni Diego sa Isang Gabi.

Nagpapasalamat siya sa pagkakaroon ng isang maunawaing asawa na suportado ang kanyang acting career.

Saad ni Coleen: “Actually, ito yung first script in a long time na hindi niya [Billy] nabasa. So, hindi niya alam kung ano ang magiging istorya sa mismong pelikula.

“But I do tell him about the scenes that I’m shooting kasi ayoko naman ng gulatan. Parang hindi naman tama yon na biglang magugulat na lang siya na may mga ganoong eksena ako.

“So, without giving away the story to him, kasi gusto ko rin na makuha yung organic reaction niya sa buong kuwento, sinabi ko sa kanya kung ano yung mga klaseng scenes yung sinu-shoot ko. Kung how far I went and everything.”

Nagpapasalamat din si Coleen sa pagkakaroon ng isang maunawaing asawa na suportado ang kanyang acting career.

Well and good, Coleen and Billy!

Support, support lang dapat ang mag-asawa sa isa’t-isa ika nga, boom, yun na! Mercy Lejarde