Home HOME BANNER STORY 7 tauhan ng BuCor suspendido sa strip search issue

7 tauhan ng BuCor suspendido sa strip search issue

MANILA, Philippines – Sinuspinde ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pito nitong corrections officers na sangkot sa isinagawang strip search sa bumibisitang kaanak ng mga inmates sa New Bilibid Prisons (NBP).

Inanunsyo ng Bucor na pansamantalang inilagay sa “attached o unassigned” Superintendent’s Office ng NBP ang 7 corrections officers habang isinasagawa ng Bucor ang imbestigasyon.

Sinabi ng BuCor na nakasentro ang imbestigasyon sa kung paano isinagawa ang strip search at kung nilabag ng mga ito ang protocol hinggil sa strip search.

Una nang iginiit ni BuCor senior inspector Abel Ciruela, Camp Commander ng New Bilibid Prison Maximum Security Camp na ang bawat bisita ng ay binibigyan ng “waiver of right to frisk/pat, rub, strip and/or visual cavity search.”

Sinuman aniya na tumanggi na sumailalim sa strip search ay maaari naman na gamitin ang E-Dalaw o online visitation ng BuCor.

Ayon sa BuCor, nasa 30 bisita ng PDL ang nagtangkang magpasok ng mga kontrabando mula Oktubre 2023 hanggang Marso 2024. Teresa Tavares