Home HOME BANNER STORY Cebu City Mayor Mike Rama sinuspinde ng 6 buwan

Cebu City Mayor Mike Rama sinuspinde ng 6 buwan

MANILA, Philippines – Sinuspinde ng Office of the Ombudsman si Cebu City Mayor Michael Rama.

Ito ang inanunsyo ng anti-graft investigating body nitong Miyerkules, Mayo 8, kung saan inilagay nila si Rama sa preventive suspension sa loob ng anim na buwan.

Bukod kay Rama, kabilang din sa suspension order ang pitong opisyal ng city hall. Ito ay sina Atty. Collin Rossell, Maria Theresa Rossell, Francis May Jacaban, Angelique Cabugao, Jay-Ar Pescante, Lester Joey Beniga at Nelyn Sanrojo.

Sa resolusyon na inisyu ni Ombudsman Samuel Martires, nakitaan ng sapat na batayan para suspendihin si Rama dahil sa reklamo ng grave misconduct at conduct unbecoming of a public officer, at conduct prejudicial to the best interest among others.

Nag-ugat ang desisyon sa kaso sangkot ang reassignment ng ilang empleyado ng city hall na nagresulta sa lokal na pamahalaan para bugong mabayaran ang sahod ng mga ito sa loob ng 10 buwan.

Tumangging magkomento si Rama kaugnay sa suspension order.

“I do not know what they are talking about…How can I be into a preventive suspension when I have not received a copy of any complaint,” ani Rama. RNT/JGC