Home HOME BANNER STORY Steam-driven eruption sa Bulkang Taal, tumagal ng 4 minuto

Steam-driven eruption sa Bulkang Taal, tumagal ng 4 minuto

MANILA, Philippines – Tuamgal ng apat na minuto ang apat na minutong steam-driven eruption sa Bulkang Taal nitong Miyerkules ng umaga, Mayo 8.

Nagresulta ito sa 2,000 metrong taas ng plume na ibinuga sa direksyong southwest.

Ayon sa Phivolcs, naganap ang “weak” phreatic o steam-driven eruption sa pagitan ng 8:27 ng umaga hanggang 8:31 ng umaga.

Anang ahensya, ang phreatic activity ay posibleng dahil sa patuloy na paglalabas ng mainit na volcanic gases sa Taal Main Crater. Nagbabala ang PHIVOLCS na posibleng masundan pa ito.

Nananatiling nasa Alert Level 1 ang Bulkang Taal na nangangahulugang nagpapatuloy ang “abnormal condition and should not be interpreted to have ceased unrest nor ceased the threat of eruptive activity.”

“At Alert Level 1, sudden steam-driven or phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall and lethal accumulations or expulsions of volcanic gas can occur and threaten areas within the Taal Volcano Island.” RNT/JGC