MANILA, Philippines – Naging matagumpay ang supply mission ng Philippine Coast Guard (PCG) kahit pa binugahan ng China Coast Guard (CCG) ng water cannon ang mga barko ng Pilipinas sa Bajo de Masinloc.
Idineploy ng PCG ang BRP Teresa Magbanua at BRP Suluan kasama ang MV Panamamalakaya upang magsagawa ng supply mission.
Gayunman, ang mga barko at mga mangingisda ay nakaranas ng delikadong akyon mula sa mga barko ng China.
Sa nasabing insidente, nagbanggaan ang CCG vessel 3104 at People’s LIbration Army Navy (PLA Navy) ship164 sa layong 10.5 nautical miles silangan ng Bajo de Masinloc na bahagi pa rin ng West Philippine Sea.
Nag-alok ng tulong ang PCG sa mga barko ng China ngunit hindi tumugon ang CCG sa nasabing alok.
Matapos ang insidente, hinimok ng PCG ang gobyerno gn China na galanagin ang Convention on the International Regulations for Preventing Collissions at Sea (COLREGS). Jocelyn Tabangcura-Domenden