
QUEZON CITY — Arestado ang anim na indibidwal noong Mayo 8, 2025, sa isang entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa umano’y sabwatan upang manipulahin ang automated voting machines kapalit ng halagang P30 milyon para sa panalo ng isang kandidato sa pagka-alkalde sa Iba, Zambales.
