MANILA, Philippines – INUGA ng 4.2 magnitude na lindol ang Surigao del Sur nitong umaga ng Martes, Agosto 20, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa PHIVOLCS, naramdaman ang pagyanig sa hilagang-silangan ng Lingig, Surigao del Sur dakong 5:59 ng umaga.
Sinabi pa ng PHIVOLCS na ang lalim sa lupa ng pagyanig ay 019 kilometro at ang origin ay tectonic.
Nabatid pa na naramdaman ang intensity 1 na pagyanig sa City of Bislig, Surigao del Sur.
Wala naman iniulat na pinsala o inaasahang aftershocks sa naturang pagyanig. Santi Celario