Home HOME BANNER STORY Surigao del Sur niyanig ng apat pang malalakas na lindol sa magdamag!

Surigao del Sur niyanig ng apat pang malalakas na lindol sa magdamag!

MANILA, Philippines – Maliban sa magnitude 7.4 na lindol na tumama sa Surigao del Sur nitong Sabado ng gabi, Disyembre 2, nasundan pa ito ng apat na sunod-sunod na malalakas na lindol.

Ayon sa PHIVOLCS, isang oras matapos tumama ang magnitude 7.4 na lindol ay tumama rin ang magnitude 6.1 na lindol sa dalampasigan ng Lingig, Surigao del Sur bandang 12:03 ng umaga.

Pagsapit naman ng 12:19 ng madaling araw, isang magnitude 5.1 na lindol ang tumama sa Hinatuan, Surigao del Sur habang magnitude 5.7 na lindol ang tumama rin sa kaparehong lugar pagsapit ng 12:53 ng umaga.

Isang oras makalipas nito ay niyanig na naman ng magnitude 6.2 na lindol ang Hinatuan, Surigao del Sur.

Mababaw ang mga naitalang mga lindol na tumama sa Surigao el Sur.

Inaasahan ang aftershock kasunod ng sunod-sunod na lindol. RNT/JGC

Previous article2 Pinoy binitay sa China sa drug trafficking – DFA
Next articleQuota system sa law enforcement agencies, may masamang epekto – Sandigan justice