Home NATIONWIDE Quota system sa law enforcement agencies, may masamang epekto – Sandigan justice

Quota system sa law enforcement agencies, may masamang epekto – Sandigan justice

MANILA, Philippines – Iginiit ng associate justice ng Sandiganbayan nitong Sabado, Disyembre 2, na dapat siguruhin ng law enforcement agencies na maayos at may kalidad ang pag-aresto ng mga ito upang mapaluwag din ang mga piitan sa bansa.

Kasabay ng isang forum, sinabi ni Sandiganbayan Associate Justice Karl Miranda na nagdudulot ang arrest quota system sa mga law enforcer sa pagtaas ng bilang ng mga inmate.

“This [arrest quota] plays a big role in their promotion, but sometimes … this can lead to indiscriminate arrests, just to reach the quota or targets,” ani Miranda.

Sinabi pa ng Sandiganbayan justice na ang “basis of the promotion should not be the number of arrests, but rather the quality of arrest.”

“For example, in drug cases, did they follow Section 21 [of the Comprehensive Dangerous Drugs Act] on the chain of custody to ensure that the person arrested will be convicted … because if the section is not followed, the accused will be acquitted,” dagdag pa niya.

Kailangan ding mas tutukan ang mas seryosong mga krimen.

“For example, looking at the data of the BJMP, of the 123,000 PDLs (persons deprived of liberty) with drug cases in 2023 … 47% of that, or 57,687, are charged with selling, trading, distributing, or transporting dangerous drugs, precursors, or essential chemicals,” ayon kay Miranda.

Sa kabila nito, sinabi ni Miranda na karamihan sa mga illegal drug cases ay sangkot lamang ang maliit na gramo ng illegal na droga.

“Of the 123,000 [PDLs], 40% are charged with possession or use, and that’s about 49,000 inmates, PDLs, and yet only small volumes of drugs are seized from them,” sinabi pa ni Miranda.

Dagdag niya, ang mga naaresto sa produksyon ng illegal na droga ay nasa 107 lamang.

“It’s trying to catch raindrops … why not close the source, itself?” giit ni Miranda.

“So it goes back not to the quantity of arrest, but the quality of the arrest.”

Sinabi ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na ang mga kulungan na nasasakupan nito ay mayroong nationwide congestion rate na 358%.

Ayon pa sa BJMP, mayroong 122,000 mga PDL na binabantayan ng ahensya, ngunit ang kaya lamang talaga ng mga ito na tutukan ay nasa 56,000 PDLs. RNT/JGC