Home HOME BANNER STORY 3 patay, 7 sugatan sa pambobomba sa Mindanao State University gym sa...

3 patay, 7 sugatan sa pambobomba sa Mindanao State University gym sa Marawi

MANILA, Philippines – Tatlo katao ang nasawi habang pito ang sugatan matapos ang pagsabog sa Dimaporo Gymnasium sa Mindanao State University, Marawi City nitong Linggo ng umaga, Disyembre 3.

Ang pagsabog ay naganap 7:30 ng umaga habang ginaganap ang isang misa sa gym na dinaluhan ng mga estudyante at guro.

Inilagay sa code blue ang emergency room ng regional hospital sa Marawi City dahil dito.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Kinondena naman ni Lanao del Sur Governor Mamintal “Bombit” Alonto Adiong Jr. ang insidente at nangako ng hustisya sa mga biktima.

“I condemn the violent bombing incident that transpired this morning at the Dimaporo Gymnasium at the Mindanao State University during a Sunday mass congregation,” saad sa pahayag ng gobernador.

“Here in my province, we uphold basic human rights, and that includes the right to religion. Terroristic attacks on educational insitutions must also be condemned because these are places that promote the culture of peace and mold our youth to be the future shapers of this country,” dagdag pa ni Adiong.

“I urge the security sector to get to the bottom of this IMMEDIATELY!,” aniya.

“To the families of those whose lives were lost in this senseless act of violence and terrorism, please accept our deepest condolences and sympathies. We will make sure justice will be served,” pagtatapos ng gobernador. RNT/JGC

Previous articleQuota system sa law enforcement agencies, may masamang epekto – Sandigan justice
Next articlePagpapalakas sa climate financing, pinangunahan ng World Bank, UAE sa COP28