MANILA, Philippines – Patunay na hindi garantiya ang mga survey sa resulta ng 2025 midterm elections lalo na sa pagka-senador kung sino ang mananalo, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Ito ay kasunod ng hindi pagtugma ng resulta ng senatorial race sa mga inaasahang pangalan sa “Magic 12” batay sa mga survey matapos ang botohan.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, maraming salik ang nakaaapekto sa resulta ng eleksyon na hindi naisasama o nakokonsidera sa mga survey bago ang araw ng halalan.
Kasama na rito ang pagbibigay umano ng maling sagot ng ilang respondent at ang biglaang pagpapalit ng desisyon ng mga botante sa bisperas ng eleksyon bilang mga posibleng dahilan ng hindi pagtugma ng survey sa aktwal na resulta.
Gayunman, nilinaw ni Garcia na ang kanyang pahayag ay layon na hikayatin ang publiko na huwag maniwala sa mga survey.
Ayon kay Garcia, maaari pa rin itong gamiting batayan; pero marami umanong dahilan kung bakit nananalo ang isang kandidato. Jocelyn Tabangcura-Domenden