CALAYAN, Cagayan – Umaabot sa tatlong kilo ng shabu o cocaine na palutang-lutang sa karagatan ang narekober sa bahagi ng sakop ng Calayan, Cagayan
Una rito, habang nagsasagawa ng Sea Borne Patrol ang mga kawani ng Philippine Coast Guard (PCG) at pulisya sa karagatang sakop ng Sitio Birao, Brgy. Dilam ay nakita ng mga ito ang kahina-hinalang isang itim na plastik na may markang “Coca Racing.”
Kasunod nito ay muli pang nakarekober ng dalawang kahalintulad na kontrabando ang mga awtoridad sa pagpapatuloy ng kanilang pagpapatrolya sa dagat.
Agad itong dinala sa tanggapan ng Calayan Police Station para sa kaukulang imbestigasyon.
Samantala, hindi lang ito ang 8nang pagkakataon na may kahintulad na may lumutang na illegal na droga sa mga karagatan na sakop ng Cagayan. REY VELASCO