Home METRO Suspected drug pusher nalambat ng PDEA sa P379K shabu

Suspected drug pusher nalambat ng PDEA sa P379K shabu

MANILA, Philippines – Inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency-8 (Eastern Visayas) ang hinihinalang drug pusher matapos makuhanan ng shabu na nagkakahalaga ng P379,000 sa buy-bust operation na isinagawa sa Ormoc City, Leyte nitong Miyerkules, Pebrero 7.

Kinilala ang suspek na si Renee Parilla, alyas Lollipop, 47, at residente ng Barangay Bagong Buhay, Ormoc.

Inaresto si Parilla nang makapagbenta ng shabu na nagkakahalaga ng P500 sa poseur-buyer ng PDEA.

Nakuha mula sa suspek ang dalawang malaking sachet at tatlong malilii na sachet na naglalaman ng 55 gramo ng hinihinalang shabu.

Aminado naman si Parilla na nagbebenta siya ng illegal na droga sa loob ng ilang taon sa kabila ng mga babala sa kanya.

Nahaharap sa kaukulang kaso si Parilla na nasa kustodiya na ng pulisya. RNT/JGC