Home ENTERTAINMENT Dominic, nagsalita na; Sagot ni Bea, inaabangan!

Dominic, nagsalita na; Sagot ni Bea, inaabangan!

Manila, Philippines – Tila bitin ang inaasahang reaksyon ni Dominic Roque ilang araw matapos pumutok ang kumpirmadong balitang hiwalay na sila ng nobyang si Bea Alonzo.

Nitong February 8, Huwebes, Dom took to Facebook his short and safe take on the breakup issue.

Matatandaang ni-reconfirm ni Boy Abunda sa Fast Talk nitong February 6 ang balitang break na sina Bea at Dom.

Base ito sa nauna nang iniulat ni Ogie Diaz sa kanilang online show.

Sa FB, nakiusap si Dom sa mga netizens na nakatutok sa kanila ng Kapuso actress na itigil na ang “hate/bashing/negative things” surrounding their breakup.

Marahil, Dominic saw fit to speak up dahil naglipana ang iba’t ibang teorya o ispekulasyon sa likod ng kanilang paghihiwalay.

Iginiit pa ni Dom na: “Bea is a beautiful person inside n out.”

Kalakip ng post na ito ay ang ni-repost na Instagram Reels ni Dom na naglalaman ng kanyang pagbati sa kaarawan ni Bea noong October last year.

Kasama rin ang video clips ng mga biyahe nila abroad.

Their last reported trip together was in Japan.
Nang umuwi’y bigla na lang pumutok ang balitang naghiwalay na sila.

Sa ngayon, inaantabayanan naman kung kailan babasagin ni Bea ang kanyang pananahimik. Ronnie Carrasco III

Previous articleSuspected drug pusher nalambat ng PDEA sa P379K shabu
Next articleGroundbreaking sa 3 bagong academic centers sa Valenzuela, idinaos