Home METRO Suspek sa Cotabato City public safety chief slay tiklo sa CIDG

Suspek sa Cotabato City public safety chief slay tiklo sa CIDG

MANILA, Philippines- Naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isa sa mga suspek sa pagpatay sa retired policer na nagsilbing pinuno ng Cotabato City Public Order and Safety Office.

Sinabi ni CIDG director Maj. Gen. Romeo Caramat nitong Biyernes na nadakip si Orlan Ayunan, 31, sa Barangay Bagua 1 nitong Miyerkules ng gabi.

Nahaharap si Ayunan sa murder at frustrated murder charges sa Cotabato City Regional Trial Court Branch 13.

Ani Caramat, isa si Ayunan sa mga suspek sa pagpatay kay Col. Rolen Balquin (ret.) at pagkasugat ng kanyang security escort sa Barangay Rosary Heights noong March 19, 2022.

Nakuha rin ng mga pulis mula sa inaakusan ang caliber .45 pistol, magazine assembly at eight walong piraso ng live ammunition.

Si Ayunan ay ikatlong regional most wanted ng Police Regional Office-Bangsamoro at No. 7 most wanted person  ng Cotabato City Police Office.

Dinala si Ayunan at ang nakumpiskang ebidensya sa CIDG Cotabato field office para sa dokumentasyon at wastong disposisyon bago ibalik ang warrant of arrest sa korte/

Nito ring Miyerkules, nalambat ng CIDG agents si alyas “Luis,” 48, suspendidong barangay chairman ng Barangay Sto. Niño, Tungawan, Zamboanga Sibugay para sa illegal possession of firearms.

“Si Luis ay ilang beses umanong inireport dahil sa gun-toting at pagmamayabang na pagpapakita ng kanyang mga baril. Dagdag pa, na noong Jan. 26, 2024 ay sinuspinde siya ng animnapung araw bilang barangay chairman dahil sa abuse of authority,” wika ni Caramat.

Gayundin, nasamsam ng CIDG agents ang iba’t ibang uri ng firearms, ammunition at fragmentation grenade mula sa tahanan ng suspek.

Mahaharap siya sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at No. 9516 (Illegal Possession of Explosives) sa Zamboanga Sibugay Provincial Prosecutor’s Office. RNT/SA

Previous article20% discount sa OTC drugs makukuha ng mga senior kahit walang reseta
Next articleDOLE: P800 minimum wage para sa TUPAD beneficiaries fake news