Home NATIONWIDE 20% discount sa OTC drugs makukuha ng mga senior kahit walang reseta

20% discount sa OTC drugs makukuha ng mga senior kahit walang reseta

MANILA, Philippines- Maaaring makuha ng mga senior citizen ang kanilang 20 porsientong diskwento sa mga over-the-counter (OTC) na gamot, bitamina, at food supplement nang hindi nangangailangan ng reseta mula sa kanilang mga doktor, ayon sa Food and Drug Administration (FDA).

Inilabas ang paglilinaw na ito sa FDA Advisory No. 2024-0429, na nilagdaan ni FDA Director General Dr. Samuel Zacate, at nag-uutos sa mga drug outlet, parmasya ng ospital, at mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan upang maiwasan ang anumang hindi pagkakaunawaan.

Ayon sa FDA, ang Administrative Order No. 2012-0007-A ng Department of Health (DOH) ay nagsasaad na ang mga nasa edad na 60 pataas ay hindi kinakailangang kumuha ng reseta ng doktor para makakuha ng 20-porsyentong diskwento sa pagbili ng mga OTC na gamot.

Sa ilalim ng administrative order ng DOH, ang mga gamot ay tinukoy bilang “prescription and nonprescription/over-the-counter drugs, both generic and branded, including vitamins and mineral supplements medically prescribed by the attending physician and approved by the [DOH and FDA], which are intended for use in the diagnosis, cure, mitigation, treatment or prevention of human disease or sickness.”

Ang 20-percent discount privilege para sa mga nakatatanda ay itinatakda sa ilalim ng Republic Act No. 9994, o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010. Requirements.

Sa pagbanggit sa batas, sinabi ng FDA na upang mapakinabangan ang kanilang diskwento, ang mga nakatatanda o kanilang mga kinatawan ay maaaring magpakita ng anumang anyo ng pagkakakilanlan tulad ng senior citizens ID card, passport o dokumento na nagpapakita ng kanilang birthday.

Dapat din nilang dalhin ang kanilang mga purchase slip booklet para sa mga layunin ng pagtatala (pangalan ng OTC na gamot na binili, dami, kailan at saan ito binili).

Sa halip, hinimok ng FDA ang mga botika at mga katulad na establisimyento na tulungan at turuan ang mga matatanda sa pagkilala sa pagitan ng mga reseta at OTC drugs upang maiwasan ang hindi kinakailangang abala. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article2 sa 6 suspek sa Koronadal pawnshop robbery case natukoy na
Next articleSuspek sa Cotabato City public safety chief slay tiklo sa CIDG