VANCOUVER, Canada- May history umano ng mental health problems ang suspek sa Canadian car-ramming attack kung saan 11 ang nasawi sa isang Filipino street party, ayon sa mga pulis nitong Linggo, at nagbabala na maaari pang tumaas ang bilang ng mga nasawi.
Wala pang nakukumpirmang motibo sa insidente sa western city ng Vancouver noong Sabado, bagama’t kinalos na ang terorismo bilang mitsa nito.
Itinaas ni police chief Steve Rai ang death toll mula siyam at sinabing ang 30-anyos na suspek na nagmamaneho sa itim na Audi SUV ay mayroong “significant history” ng interaksyon sa mga pulis at mental health care professionals.
Nagtipon ang Filipino community sa Sunset on Fraser neighborhood sa Vancouver nang sagasaan ang festival-goers ng SUV.
Ginugunita sa pagdiriwang na tinawag na Lapu Lapu Festival ang Filipino anti-colonial leader mula sa 16th century.
“Last night families lost a sister, a brother, a mother, a father, a son, or a daughter,” pahayag ni Prime Minister Mark Carney. “Those families are living every family’s nightmare.” RNT/SA