Home METRO Suspek sa pagpatay sa online seller kalaboso

Suspek sa pagpatay sa online seller kalaboso

183
0

MANILA, Philippines- Arestado na ang isa sa dalawang suspek sa pagpatay sa isang online seller sa Sta. Ana, Maynila sa ikinasang follow-up operation ng Manila Police District (MPD) Station 6.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na si Crisanto Laquindanim Santos, 38, at residente ng nasabing lugar.

Patuloy namang pinaghahanap ang isa pang suspek na si Jameson Javier Comerciante alyas Tisoy na miyembro ng Sputnik Gang mula Paco, Maynila.

Ayon sa ulat ng pulisya, nagkasa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Sta. Ana Police Station, Warrat and Intelligence Section sa pangunguna ni PLTCol Dionelle Brannon kasama si PCpt Vianny Ortiz, Chief Intelligence Section na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek.

Nauna rito, nakatayo lamang ang biktimang si Kyle Mario Castro sa panulukan ng Dagonoy at radium Street sakop ng Barangay 775, San Andres, Manila nang lapitan siya ng mga suspek na nakamotorsiklo at walang sabi-sabing pinaputukan ng backrider ang biktima ng ilang beses saka tumakas.

Dinala sa Sta. Ana Hospital ang biktima ng kanyang ama na si Rolando ngunit binawian din ng buhay habang ginagamot.

Nagpapatuloy naman ang pagtugis ng pulisya sa isa pang suspek sa pamamaril. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here