Home HOME BANNER STORY Suspek sa road rage sa EDSA-Ayala naaresto na

Suspek sa road rage sa EDSA-Ayala naaresto na

MANILA, Philippines – Naaresto na ang suspek sa pagpatay sa stay-in driver sa isang shooting incident sa EDSA-Ayala, ayon kay Interior Secretary Benjamin Abalos Jr.

Hindi na nagbigay pa si Abalos ng ibang detalye at sumagot lamang ng “yes” nang tanungin tungkol sa pagkakaaresto ng suspek.

“Yes, there will be a press conference in [Camp] Crame,” ani Abalos.

Batay sa ulat ng pulisya, binaril-patay ang 65-anyos na biktimang si Aniceto Mateo, driver, sa southbound lane ng EDSA Ayala tunnel bandang 2:30 ng hapon nitong Martes, Mayo 28, ng suspek na sakay ng itim na Mercedes Benz na may plakang BCS77.

Si Mateo ay sakay ng Toyota Innova sakay ang isang babaeng pasahero at isang menor de edad nang mangyari ang pamamaril. RNT/JGC