Home NATIONWIDE Suspensyon ng excise tax sa petrolyo, isinusulong sa Senado

Suspensyon ng excise tax sa petrolyo, isinusulong sa Senado

176
0

MANILA, Philippines – Pwede umanong mabigyan ng emergency power ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isuspinde ang excise tax sa Petrolyo.

Sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Senate President Tito Sotto III na may version si Senator Chiz Escudero na nagbibigay ng emergency powers.

Mayroon din aniyang kasalukuyan pagdinig ngayong araw sa Senado at inaasahan na may consolidated version na ilalabas ngayong araw para bigyan ng emergency power ang Pangulo.

Ang panukalang batas sa pagtanggal sa excise ay kabilang sa pitong bill na inihain ng Senado para tugunan ang lumalalang krisis sa Middle East.

Ayon kay Sen. Sotto naghain siya ng panukalang batas na naglalayong lumikha ng Philippine Strategic Petroleum Reserved Act para magkaroon ng sapat na suplay ng langis sa mga ganitong pagkakataon kung saan tatagal ng tatlong buwan o 90 araw.

Dagdag pa ni Sotto, ito ay pangangasiwaan ng estado.

Ito rin aniya ay magpapalakas sa ating laban kontra krisis sa pagtaas ng langis.

“Mag-iisip din dapat tayo ng mga solusyon ng mga nangyayari ngayon,” aniya.

Sa ngayon aniya inuuna ngayon ng Senado ang suspensyon sa excise tax sa langis. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here