Home METRO SUV na may sticker ng OP sumalpok sa poste, rider nadamay

SUV na may sticker ng OP sumalpok sa poste, rider nadamay

MANILA, Philippines- Sumalpok sa isang poste sa Maynila ang isang SUV na may sticker ng Office of the President kung saan nadamay din ang isang motorsiklo nitong Miyerkules ng madaling araw sa bahagi ng Taft Avenue.

Inabutan pa ng mga tauhan ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang SUV.

Isa umanong Chinese national ang nagmamaneho ng SUV na nauna nang naaksidente bago nadamay ang motorsiklo.

Wasak naman ang harapan at likurang bahagi ng SUV habang sira rin ang harapang bahagi ng motorsiklo dahil na rin sa lakas ng pagkakabangga.

Agad namang nilapatan ng paunang lunas ang rider bago ito isinugod sa ospital habang mga galos lang ang tinamo ng SUV driver.

Bagama’t humingi ng paumanhin ang driver ng SUV, posible pa rin itong maharap sa kaso dahil sa nangyari. Jocelyn Tabangcura-Domenden