MANILA, Philippines- Patay ang dalawang indibidwal habang tatlo ang sugatan nang bumangga ang isang Sports Utility Vehicle (SUV) sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal I nitong Linggo ng umaga.
Sinabi ni Col. Joselito de Sesto, Pasay City Police chief, na biglang bumilis ang takbo ng itim na Ford Everest na may plakang DCB 311, dahilan upang masagasaan ang mga biktima sa entrance ng departure area.
Sinabi ni De Seso na hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima, habang dinala na sa ospital ang mga sugatan.
Aniya, nasa hawak na ng mga pulis ang driver ng sasakyan na kinilalang si Gonzalez Leo Sinalo.
Inihayag ng city police chief na na-secure na ng mga awtoridad ang lugar, partikular ang entrance patungong departure area, habang umiiral ang imbestigasyon.
“At this time, we are awaiting official confirmation on the cause of the incident and reports of injuries. We are closely coordinating with all concerned agencies to gather accurate information,” pahayag ng NNIC.
“We understand the concern this incident has caused, especially as images have circulated on social media. We urge the public not to speculate and to wait for verified updates, which will be issued as soon as they become available,” dagdag nito. RNT/SA