Home METRO Swedish national patay sa sunog sa Cebu

Swedish national patay sa sunog sa Cebu

MANILA, Philippines – Patay sa sunog ang isang foreign national sa magkakahiwalay na sunog na sumiklab sa Talisay City sa nakalipas na dalawang araw.

Ayon sa ulat, nasawi ang 68-anyos na Swedish national sa sunog na sumiklab sa dalawang palapag na bahay sa loob ng isang compound sa Barangay Isidro, Talisay City, Cebu nitong Huwebes ng gabi, Abril 4. Nagsimula ang sunog alas-7:03 ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Martin Ask, 68-anyos, isang Swedish national.

Itinaas sa unang alarma ang sunog 7:06 ng gabi at fire under control ng 7:31 ng gabi.

Naitala sa P1,680,000 ang kabuuang halaga ng pinsala sa sunog.

Ayon kay Fire Officer 1 (FO1) Jerome Dolauta, si Ask ay bed-ridden at natrap sa loob ng kwarto kung saan siya namamalagi sa oras ng insidente.

Samantala, ilang oras matapos ang sunog na kumitil sa buhay ng foreigner, sumiklab naman ang isa pang sunog sa residential area sa Sitio San Miguel, Barangay Linao, Talisay City. Sinundan ito ng isa pang sunog sa Barangay San Isidro, Talisay City bandang 11:24 ng umaga nitong Biyernes.

Wala namang nasaktan sa dalawang magkasunod na insidente ng sunog. RNT/JGC