Manila, Philippines- Isa nang ganap na granny si Sylvia Sanchez!
Wala ngang pagsidlan ang tuwa ng first-time lola after her daughter Ria gave birth nitong September 23, Lunes.
Ni-repost ni Ibyang sa kanyang Facebook ang Instagram Reel post ng kanyang manugang na si Zanjoe Marudo ang anunsyong nagsilang na si Ria ng anak.
“Yahoo…lola na ‘ko!” post ni Sylvia.
“May baby na tayo!” dagdag pa niyang post.
Bumaha naman ng congratulatory messages para kina “Lola Ibyang” at “Lolo Art.”
Tinawag din ang mag-asawang Atayde bilang “abuela” at “abuelo.”
Kung matatandaan, ipinangako ni Sylvia sa kanyang sarili na by hook or by crook, kallangang may apo na siya pag tuntong niya sa edad na 50.
Early last year nang magsimulang mamili ng mga gamit ng baby si Sylvia, unsure kung sino sa kanyang mga anak na sina Arjo at Ria ang unang mabibiyayaan ng anak with their respective partners.
Arjo is married to Maine Mendoza.
Ikinasal sila ahead of Ria and Zanjoe na nauna pang nagkaanak.
To both Ria and Zanjoe, congratulations!
Ganoon din kina Lola Ibyang at Lolo Art!
In the meantime, all eyes are on Maine kung kailan naman siya magbubuntis. Ronnie Carrasco III