Manila, Philippines – Latests guests sa Toni Talks ang controversial mag-jowa na sina Carlos “Caloy” Yulo at Chloe San Jose. Kapansin-pansin na bukod sa kanilang sky blue outfits ay meron silang matingkad na pulang lipstick na di bagay kay Caloy dahil pagkakamalan mo siyang sasali sa Drag Race Philippines.
Mas mapula pa ang labi niya sa host ng show na si Toni Gonzaga, sabi ng karamihan sa mga netizens.
To be fair, napakaganda ng interview na ito ni Toni dahil imbes na mag-focus siya sa issue ng pagpaparinig ng mga magulang niya sa kanya ay una nilang pinag-usapan ang road to being a serious gymnast.
2007 pala nag-start si Caloy sa may Manila Zoo pero breakdancing ang inaral niya specifically yung pagta-tumbling hanggang sa may naka-discover ng potential ni Caloy at sinabihan ang lolo nito na subukan ang gymnastics.
Binigyang credit ni Caloy ang performance ni Kohei Uchimura sa London Olympics ng 2012 na nakapagpa-inspire sa kanya para seryosohin ang sport.
Dahil nga walang formal training, nang magkaroon na siya ng Japanese coach noong 2013 ay kailangan niyang aralin ang basics para may matibay na foundation ang mga galaw niya.
2020 kumatok ang tadhana dahil nang bisitahin ni Chloe at ng kanyang family ang Philippines ay lumitaw sa Twitter (X na ngayon) feed niya si Caloy kaya nga napa-message siya.
Aminado si Caloy na may dating din si Chloe sa kanya kaya ini-stalk niya ito sa Instagram at finollow.
“Nu’ng time naman na ‘yun hindi naman ako naghahanap tas biglang dumating,” chika niya.
Nagsimula ang kanilang chat na parang magtropa hanggang napa “I love you” na nga si Caloy.
Sey ng world-famous athlete ay si Chloe ang naging hingahan at pahinga nito habang palapit na ang competition.
First time nagkita nina Caloy at Chloe sa Vietnam SEA Games noong 2022.
Ang impression ng singer-vlogger dito ay “low vibrational po siyang tao” na may maliit na aura not because of his height but dahil reserved siyang tao.
Mapapakapit kayo sa linyahan nila nang tanungin ni Chloe si Caloy kung mas bet ba niya na wala ang dalaga para makapag-focus ito sa training, “Di ko kakayanin mag-isa. Kailangan kita sa process.”
Patunay lang ito na hindi clingy si Chloe at ang selfless niyang love kay Caloy ang nagpahilom ng mga sugat na tinamo nito mula sa kanyang di-pagkakaunawaan sa pamilya. Trixie Dauz