Home ENTERTAINMENT Sylvia, sinabing hindi makikialam kina Ria at Zanjoe!

Sylvia, sinabing hindi makikialam kina Ria at Zanjoe!

202
0

Manila, Philippines – Ayaw nang magbigay pa ng reaksyon ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez sa nangyaring confrontation diumano sa pagitan nina Robi Domingo at John Lloyd Cruz sa wedding reception ng kasal ng anak niyang si Ria Atayde kay Zanjoe Marudo noong December, 2025.

Balita kasing nagkainitan ang dalawa dahil hindi raw nagustuhan ni John Lloyd ang birong hirit ni Robi kina Ria at Zanjoe sa harap ng mga bisita.

Si Robi kasi ang nagsilbing host sa reception ng kasal ng celebrity couple at ang chikang lumabas, muntik na raw magsuntukan ang dalawa.

“I love Lloydie, oo! I love him so much. Oo. Hanggang du’n na lang. Anak ko si Lloydie at hindi mawawala yun.

“Mahal ko rin si Robi. Kung ano man yun, hanggang diyan lang kayo,” ang natatawang sey pa ni Ibyang na umiiwas pag-usapan ang isyu nang makapanayam siya ng entertainment press.

Samantala, nahahati at nababalanse naman ni Sylvia ang kanyang panahon sa kanyang mga responsibilidad bilang producer, wifey, nanay at lola ng nag-iisa niyang apo kina Ria at Zanjoe na si Sabino.

“Time management pa rin, e. Marunong pa rin akong mag-manage sa ganu’n,” ani Sylvia.

Sumusumpa si Ibyang na hindi niya pinakikialaman ang pagpapalaki nina Ria at Zanjoe sa panganay nilang anak.

“Ngayon, sina Ria, meron silang sariling buhay, sila ni Z. Hindi ko puwedeng kunin yung anak nila maya-maya. Kasi nasa kanila yun, e.

“Kapag nasa amin lang, halimbawa nahiram namin o pupuntahan namin, yun lang yun pag weekend.

“Ayokong pakialaman yung pagpapalaki nila sa anak nila. Ayokong pasukin na ako ang masusunod, hindi!

“Sila ang nanay at tatay, sila ang mag-alaga. Alam mo yun? So ang sa akin, pag may time, Sunday lang, makikita ko. Yun lang.

“Respeto ko yun sa mag-asawa. Hindi ko puwedeng pangunahan ang mag-asawa dahil anak nila yun,” pahayag pa niya. Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here