Home HOME BANNER STORY Taas-pasahe sa mga jeep, bus at iba pang PUV inanunsyo

Taas-pasahe sa mga jeep, bus at iba pang PUV inanunsyo

238
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez nitong Martes, Marso 17 na magkakaroon ng P1.00 na pagtaas ng pamasahe para sa tradisyunal na jeepney at P2.00 na pagtaas para sa modernong jeepney dahil na rin sa pagtaas ng presyo ng gasolina dulot ng tensyon sa Gitnang Silangan.

Sinabi ni Lopez na inaprubahan ang pagtaas ng pamasahe nitong Lunes ng gabi sa mga Provincial buses, Metro buses, P2P, kasama ang jeepneys at airport taxis.

Ayon kay Lopez, ang pagtaas ng pamasahe ay magsisimula sa Huwebes.

Ang hakbang na ito ay kasabay ng tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan, na lubos na nakaapekto sa presyo ng langis sa buong mundo.

Inatasan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang agarang pagpapalabas ng P5,000 cash assistance para sa mga driver ng pampublikong sasakyan upang mabawasan ang kanilang pasanin dulot ng pagtaas ng presyo ng langis. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here