Home NATIONWIDE Taas-sahod sa Caraga, umarangkada na

Taas-sahod sa Caraga, umarangkada na

255
0

BUTUAN CITY – Nagsimula nitong Sabado ang unang bahagi ng pagtaas ng arawang sahod sa Caraga Region, mula PHP435 naging PHP455, alinsunod sa Wage Order No. RXIII-20.

“Ang ikalawang bahagi ng pagtaas sa PHP475 arawang sahod ay ipatutupad din sa Mayo 1 ngayong taon,” ayon sa Department of Labor and Employment.

Binigyang-pansin ni Pol Cabica, isang driver sa isang delivery company, ang benepisyo ng sahod, “Though we vary in reactions and opinions to the wage increase, for me, it’s a help to my family.”

Tumaas din ang buwanang sahod ng mga kasambahay sa rehiyon, mula PHP6,000 naging PHP6,500, batay sa Wage Order No. RXIII-DW-06. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here