MANILA, Philippines- Asahan na ng power consumers sa Luzon, Visayas, at Mindanao grids ang posibleng dagdag sa household electricity rates as 2025 matapos aprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang koleksyon ng natitirang 70% contracted reserve o ancillary services requirements ng power system operator.
Sinabi ng ERC nitong Huwebes na hindi pa nababawi ang kabuuang halaga mula sa power consumers dahil sa deferred payments sa power reserve market na P3.05 bilyon, na nakaumang sa February at March 2024 billing periods.
Anang power industry regulator, kokolektahin ang halaga sa loob ng tatlong buwan, simula Enero 2025, para sa mga nasa Luzon; at anim na buwan para sa mga nasa Mindanao at sa Visayas.
Resulta ang deferral ng suspensyon ng power reserve market operations dahil naging salik ito ng pagtaas ng singil sa kuryente nitong taon.
Sa natitirang P3.05 bilyong kokolektahin, sinabi ng ERC na ang kaukulang rate impact sa consumers ay P0.124 per kilowatt hour (kWh) para sa Luzon at Visayas, habang sa Mindanao naman ay P0.033 per kWh. RNT/SA