Home NATIONWIDE Taas-singil sa kuryente sa Mayo, ibinabala ng ERC

Taas-singil sa kuryente sa Mayo, ibinabala ng ERC

82
0

MANILA, Philippines – Inaasahang tataas ang singil sa kuryente ng Manila Electric Co. (Meralco) ngayong Mayo, ayon sa Energy Regulatory Commission (Energy Regulatory Commission), sa kabila ng ilang hakbang upang mapababa ang gastos sa kuryente.

Ayon kay ERC Chairman Nino Juan, naantala ang billing ng Meralco dahil patuloy pa nitong hinihingi ang regulatory intervention kaugnay ng ilang singil sa line rental na nakaaapekto sa generation charge.

Gayunman, mas mataas pa rin umano ang kabuuang singil ngayong Mayo kumpara noong Abril.

“Kasi malaki pa rin ang magiging pagtaas na ini-expect natin for the generation at hindi sapat yung mga nagawa natin na pang-mitigate dito sa pagtataas na ito… etong mga measures na ginawa natin pero hindi siya sasapat para totally i-offset yung magiging pagtaas sa pinakamalaking component which is generation charge,” ani Juan sa DZMM Teleradyo.

Nauna nang pinutol ng ERC ang refund period ng Meralco at sinuspinde ang Green Energy Auction Allowance (GEA-All) para sa Mayo at Hunyo na katumbas ng humigit-kumulang ₱0.04 kada kilowatt-hour na bawas. Tinanggal din ang value-added tax sa natural gas sa ilalim ng bagong batas sa indigenous fuel sources.

Sa kabila nito, sinabi ni Juan na hindi pa rin sapat ang mga hakbang upang mapantayan ang pagtaas sa generation charge.

Dagdag niya, hindi rin maaaring alisin ang ibang bahagi ng singil gaya ng buwis, Feed-In Tariff Allowance (FIT-ALL), senior citizen discount, cross subsidy, system loss, at universal charge dahil nakasaad ang mga ito sa batas.

“Hindi natin matanggal kasi meron talagang pinaglalaanan itong mga other charges na ito na dapat babayaran o sasagutin,” aniya.

Batay sa billing structure ng Meralco, pinakamalaking bahagi ng singil ay nagmumula sa generation at distribution charges, kasunod ang mga buwis tulad ng VAT at local franchise tax. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here