Home NATIONWIDE Tacloban mayor nais ng transparency sa San Juanico Bridge repair project

Tacloban mayor nais ng transparency sa San Juanico Bridge repair project

MANILA, Philippines – Nanawagan ng ‘full transparency’ at ‘expert evaluation’ si Tacloban City Mayor Alfred Romualdez sa planong rehabilitasyon ng San Juanico Bridge.

Noong Huwebes ay idineklara ng Tacloban City Council ang state of emergency para pabilisin ang paghahatid ng mga pangangailangan, kasunod ng rekomendasyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa limitadong paggamit ng tulay dahil sa safety concerns.

“So, to be quite frank, medyo nalilito rin ako,” saad sa pahayag ni Romualdez.

“I feel the public should be given all the information pertaining to the condition of the bridge,” dagdag pa niya.

Hinimok ni Romualdez ang pamahalaan na isapubliko ang pag-aaral na nagpapakita ng kasalukuyang estado ng tulay at magbigay ng detalye sa lawak ng pinsala.

“This is not the first time,” aniya.

Iginiit ni Romualdez ang pangangailangan sa independent experts na susuri sa kondisyon ng tulay at alamin ang gastos ng rehabilitasyon.

“Even if you spend P7 billion, a feasibility study, a project study, and a careful analysis should have been made.”

Sa pinakahuling assessment ng DPWH, nagpaabot ng pangamba ang ahensya sa structural integrity ng tulay.

Dahil dito ay pansamantalang pinagbawalan ng DPWH ang mga sasakyan na may timbang na mahigit tatlong tonelada sa pagtawid sa tulay. RNT/JGC